Kahulugan ng Pangalan
Cipriano (Pangngalan) Mula sa salitang ugat na Ciprea sa bansa ng Cypracea. Uri ng kabibeng makikita lamang sa bansa ng Cypracea. Unang natagpuan sa 41.413° N, 34.2993 ° E. Hugis kalahating buwan na mayroong makukulay na disenyo. Ginagamit ito sa mga laro bilang pampato or pambato. Ginagamit din bilang palamuti o pampasuwerte. Halimbawang Pangungusap: Ang ginagamit kong mga Cipriano para sa sungka ay walang ni-isang kaparehong disenyo. Tawag sa isang importanteng tao sa mga gawain na laging lider o representante ng grupo. Hinahanap niya ang kanyang sarili sa mundo ng puro hindi, negatibo, huwag at mali. Hindi niya maipakita ang tunay niyang kalagayan dahil siya ay nakakubli sa isang maganda at matingkad na panlabas. Halimbawang Pangungusap: Ang Cipriano ay abala sa kanyang mga gawain para sa mga darating na pagdiriwang. Tila wala siyang kapantay sa buong nayon.