Panimula
Magandang araw sa iyo! Ilang buwan nanaman ang nakalipas, patapos nanaman ang isang taon, ang isang semestre. Kumusta ka na? Kumusta ang iyong laban sa buhay?
Para sa akin, ito ang pinakamahirap ngunit pinakamasayang semestre sa aking buong kolehiyo. Maliban sa maging isang mahusay na estudyante, may natatangi pa akong piaglaban ngayong semestre, ang pagiging ina.
Kapag ikaw ay masaya, isulat mo! Kapag ikaw ay malungkot, isulat mo! Kahit anong emosyon ang iyong nararamdaman, isulat mo! Para sa akin, ang pagsusulat ay isang midyum upang mailabas ko ang lahat ng aking nararamdaman. Kumbaga, ang papel ang aking masugid na tagapakinig at ang lapis ang aking buhay. Hindi man ako propesyonal sa larangan ng panitikan, masasabi kong dito ako masaya. Ang FIL 20 ang aking nagsilbing pahinga sa tambak na mga gawain sa ibang mga kurso.
Bawat araw ay tungo sa isang hakbang tungo sa pagtatapos sa dulong walang kasiguraduhan. Ito nga ba'y matatapos din? It nga ba'y sulit ng aking munting oras? Gaya ng mga bakas ng paa sa buhangin, ang mga pagsisikap ko ba'y sapat upang mabigyang saysay? Ilan lamang ito sa mga katanungan ng isipan.
Sa aking paglalakbay sa panitikan, mas nabuksan ang aking isipan hindi lamang sa mga pormalisasyon sa panitikan kung hindi pati ng reyalidad ng buhay. Hindi dahil estudyante pa lamang ako ay wala nang silbi ang aking mga opinyon at pakiramdam. Sa panitikan, lahat ay mabibigyan ng boses upang maipahayag ang laman ng puso't isipan.
KAHULUGAN NG PANGALAN
DRAMATIKONG TULA
DAYAGRAM/ TALINGHAGA TUNGKOL SA MAY BAGYO MAN AT MAY RILIM
SANAYSAY TUNGKOL SA ANG DAPAT MABATID
PAGSASALIN
HAIBUN
PADRON NG TUNOG
TULANG HUGIS
Ilan lamang ito sa mga maaaring malikha sa panitikan. Bawat gawain ay katangi-tangi. Dahil sa mga gawaing ito, lumabas ako sa aking munting kahon at mas napayabong pa ang aking pagkamalikhain. Ang mga ito ay naging midyum upang mabigyan ng perspektibo ang mga bagay. Natutunan ko din sa kursong ito na walang isang likha ang may iisang interpretasyon, depende sa mambabasa. Nagpapasalamat ako sa oportunidad na binigay sa akin ng kursong ito upang mas magbunga pa ang aking pag-iisip.
Comments
Post a Comment