Posts

Showing posts from December, 2019

Wakas

Image

Tulang hugis/ Konkretong tula

Image

Padron

Image
Nirap niniboborap bonibonibo Uwaaa! Humahagulgul! Hanap ay ako. Nirap niniboborap bonibonibo Tae? Gutom kaya siya? Baka antok na.   Nirap niniboborap bonibonibo Hirap! Ako’y lito na. Kaya ko pa ba? Nirap niniboborap bonibonibo Oo! Kaya ko pa ‘to! laban lang nanay!   Nirap niniboborap bonibonibo Anak, pagmamahal ko’y walang kapantay Nirap niniboborap bonibonibo Anak, makakaya ko sa tulong ninyo.

Haibun

Image
Bote sa gabi, Libro sa umaga Batang ina   Nag-aalab na tainga Humihiyaw na sirena Aapulahin ng gatas ni ina Nakatanaw ako sa kanyang maliliit na paa, Napasambit ng, unti nalang gagradweyt na ako. Mula elementarya hanggang kolehiyo, ang pagsusulit sa akin ay petiks lamang. Magaling sa lahat. Talaga ba? Magaling ka nga! Siyam na buwan na ang nakalipas, sa isang test ako’y nakapasa! Dahil dito, Gantimpala ay nakamit, isang napakagandang regalo. Doktor ang nagbukas at unang nakakita. Nagdulot ng tuwa sa inay at itay. Napatanong sa sarili, “Sa obligasyon ba ay handa na?” Takbo! Pagbabago ay nagbabadya. Meykap, gala , milktea… lampin, kuna, gatas Ang noong sa pagsusulit ay petiks lamang, Doble kayod ngayon upang mairaos ang pagtatapos.

Salin: Needing No Time

Image
Unang Bersyon Wala nang oras upang magdalamhati Nawala na ang mga kahanga-hanga sa hinaharap Ito ang realidad Tila isang madamdaming alaala, Mga maliliwanag na siyudad at iba pang natuklasan, Nababalot ng ulap sa dapit-hapon Isang lumipas na kasaysayan, nabaon sa limot ng panahon Nakamasid sa kawalan sabay ng paglubog ng araw   Lunod sa paulit-ulit na pag-iyak Sana’y nakaraan ay nasa bulsa, Magiliw sa pag-alog tila buhay ang pag-asa, Tila pabangong humahalimuyak sa maghapon. Sa paglalakbay pabalik sa oras at taon, Masaasabing ang nakaraan ay sunog na dahoon Di kayang makuha ng walang pagsisikap Gaya ng pagkuha sa tumatakas na hangin, Di madala sa ppagdatig ng umaga. Ang nakaraan ay nakaraan, di na maaaring maulit. Kung ‘di natin maulit, di natin kailangan. Kung ‘di natin kailangan, wala tayong dapat ikatakot. Kung wala tayong dapat ikatakot, ito ay maaaring sirain. Ngunit ang hinaharap ay umaasa at nagnanais, Kung ating nais, kunin ...

Para sa mga Ina

Image
Tanging Ina Ka Hindi maitatanggi sa isang tahanan ang kahalagahan ng isang Ilaw. Ilaw na nagbibigay liwanag sa isang pamilya. Ang liwanag na ito'y naitatangi sa iba't ibang pangalan; nanay, ina, mommy, mamu, mama at para sa iba, tatay. Ang mga ina ay isa sa mga pinakamahalaga ngunit pinakanakakaligtaan na sektor hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo. Ang mga ina ang nagdadala ng sanggol sa kanilang sinapupunan sa loob ng siyam na buwan. Sa tingin ng nakararami ay madali lamang ang kanilang pinagdaraanan. Lingid sa kanilang kaalaman ang labis na hirap na kanilang pinagdaraanan mula sa pagiging mahihiluhin, sensitibo sa amoy, iyakin, hanggang sa pagsakit ng binti at balakang sa bigat ng sanggol. Sila ay kalimitang minamaliit bilang tamad at walang silbi. Habang si mister ay nagtatrabaho sa labas ng bahay, ikaw naman ay naiiwan sa loob ng bahay. "Wala ka man lang nalinis sa bahay, anong ginagawa mo maghapon?", "Wala ka nama...

Dayagram/Talinhaga

Image

Dramatikong Tula

Image
Umaga’t gabi, sa pagod na katawan Ako’y isang gatas, nakatanaw sa lagusan Rinig ang iyak ng munting paslit na nananabik Bawat payapang sipsip Agos ko’y gintong ilog tungo sa’yong labi’t leeg Ang paglaki mo’y aking gantimpala’t kasiyahan Nandito lang hangga’t naisin, ako’y iyong tawagin.