Salin: Needing No Time


Unang Bersyon

Wala nang oras upang magdalamhati
Nawala na ang mga kahanga-hanga sa hinaharap
Ito ang realidad
Tila isang madamdaming alaala,
Mga maliliwanag na siyudad at iba pang natuklasan,
Nababalot ng ulap sa dapit-hapon
Isang lumipas na kasaysayan, nabaon sa limot ng panahon
Nakamasid sa kawalan sabay ng paglubog ng araw 
Lunod sa paulit-ulit na pag-iyak
Sana’y nakaraan ay nasa bulsa,
Magiliw sa pag-alog tila buhay ang pag-asa,
Tila pabangong humahalimuyak sa maghapon.
Sa paglalakbay pabalik sa oras at taon,
Masaasabing ang nakaraan ay sunog na dahoon
Di kayang makuha ng walang pagsisikap
Gaya ng pagkuha sa tumatakas na hangin,
Di madala sa ppagdatig ng umaga.
Ang nakaraan ay nakaraan, di na maaaring maulit.
Kung ‘di natin maulit, di natin kailangan.
Kung ‘di natin kailangan, wala tayong dapat ikatakot.
Kung wala tayong dapat ikatakot, ito ay maaaring sirain.
Ngunit ang hinaharap ay umaasa at nagnanais,
Kung ating nais, kunin natin ito.
Kung kukunin natin ito, ito na ang lahat
Kung ito na ang lahat, ito ay karapat-dapat ipaglaban.
Ito ang paraan upang harapin ang bukas.
Ito ang paraan ng pagtindig sa paglubog ng araw.
Wala nang oras magdalamhati pagtungo sa liwanag ng umaga.

 Ikalawang Bersyon

‘Di na kailangang magdalamhati
Sa mga nawalang gilas ng hinaharap
Ito ang realidad
Tulad ng isang madamdaming alaala,
Maliliwanag na siyudad at iba pang mga natuklasan,
Nababalot ng ulap sa dapit-hapon
Isang lumipas na kasaysayan, nabaon sa limot ng panahon
Nakamasid sa kawalan sabay ng paglubog ng araw.
Lunod sa paulit-ulit na pag-iyak.
Sana nakaraa’y gaya ng barya sa bulsa,
Sa pagtunog ay buhay ang pag-asa,
Halimuyak ng pabango sa maghapon.
Paglalakbay pabalik sa oras at taon,
Ang nakaraan ay abo ng sunog na dahon
‘Di basta basta makuha
Gaya ng pagkuha sa tumatakas na hangin,
Di madala sa pagsikat ng umaga.
Ang nakaraan ay nakaraan, di na maaaring maulit.
Kung ‘di natin maulit, di natin kailangan.
Kung ‘di natin kailangan, wala tayong dapat ikatakot.
Kung wala tayong dapat ikatakot, ito ay maaaring sirain.
Ngunit ang hinaharap ay umaasa at nagnanais,
Kung ating nais, kunin natin ito.
Kung kukunin natin ito, ito na ang lahat
Kung ito na ang lahat, ito ay karapat-dapat ipaglaban.
Ito ang paraan upang harapin ang bukas.
Ito ang paraan ng pagtindig sa paglubog ng araw.
Wala nang oras magdalamhati pagtungo sa liwanag ng umaga.


Comments

Popular posts from this blog