Haibun


Bote sa gabi,
Libro sa umaga
Batang ina
 Nag-aalab na tainga
Humihiyaw na sirena
Aapulahin ng gatas ni ina



Nakatanaw ako sa kanyang maliliit na paa,
Napasambit ng, unti nalang gagradweyt na ako.
Mula elementarya hanggang kolehiyo, ang pagsusulit sa akin ay petiks lamang.
Magaling sa lahat. Talaga ba? Magaling ka nga!
Siyam na buwan na ang nakalipas, sa isang test ako’y nakapasa! Dahil dito,
Gantimpala ay nakamit, isang napakagandang regalo.
Doktor ang nagbukas at unang nakakita.
Nagdulot ng tuwa sa inay at itay.
Napatanong sa sarili, “Sa obligasyon ba ay handa na?”
Takbo! Pagbabago ay nagbabadya.
Meykap, gala , milktea… lampin, kuna, gatas
Ang noong sa pagsusulit ay petiks lamang,
Doble kayod ngayon upang mairaos ang pagtatapos.




Comments

Popular posts from this blog