Posts
Showing posts from 2019
Padron
- Get link
- X
- Other Apps
Nirap niniboborap bonibonibo Uwaaa! Humahagulgul! Hanap ay ako. Nirap niniboborap bonibonibo Tae? Gutom kaya siya? Baka antok na. Nirap niniboborap bonibonibo Hirap! Ako’y lito na. Kaya ko pa ba? Nirap niniboborap bonibonibo Oo! Kaya ko pa ‘to! laban lang nanay! Nirap niniboborap bonibonibo Anak, pagmamahal ko’y walang kapantay Nirap niniboborap bonibonibo Anak, makakaya ko sa tulong ninyo.
Haibun
- Get link
- X
- Other Apps
Bote sa gabi, Libro sa umaga Batang ina Nag-aalab na tainga Humihiyaw na sirena Aapulahin ng gatas ni ina Nakatanaw ako sa kanyang maliliit na paa, Napasambit ng, unti nalang gagradweyt na ako. Mula elementarya hanggang kolehiyo, ang pagsusulit sa akin ay petiks lamang. Magaling sa lahat. Talaga ba? Magaling ka nga! Siyam na buwan na ang nakalipas, sa isang test ako’y nakapasa! Dahil dito, Gantimpala ay nakamit, isang napakagandang regalo. Doktor ang nagbukas at unang nakakita. Nagdulot ng tuwa sa inay at itay. Napatanong sa sarili, “Sa obligasyon ba ay handa na?” Takbo! Pagbabago ay nagbabadya. Meykap, gala , milktea… lampin, kuna, gatas Ang noong sa pagsusulit ay petiks lamang, Doble kayod ngayon upang mairaos ang pagtatapos.
Salin: Needing No Time
- Get link
- X
- Other Apps
Unang Bersyon Wala nang oras upang magdalamhati Nawala na ang mga kahanga-hanga sa hinaharap Ito ang realidad Tila isang madamdaming alaala, Mga maliliwanag na siyudad at iba pang natuklasan, Nababalot ng ulap sa dapit-hapon Isang lumipas na kasaysayan, nabaon sa limot ng panahon Nakamasid sa kawalan sabay ng paglubog ng araw Lunod sa paulit-ulit na pag-iyak Sana’y nakaraan ay nasa bulsa, Magiliw sa pag-alog tila buhay ang pag-asa, Tila pabangong humahalimuyak sa maghapon. Sa paglalakbay pabalik sa oras at taon, Masaasabing ang nakaraan ay sunog na dahoon Di kayang makuha ng walang pagsisikap Gaya ng pagkuha sa tumatakas na hangin, Di madala sa ppagdatig ng umaga. Ang nakaraan ay nakaraan, di na maaaring maulit. Kung ‘di natin maulit, di natin kailangan. Kung ‘di natin kailangan, wala tayong dapat ikatakot. Kung wala tayong dapat ikatakot, ito ay maaaring sirain. Ngunit ang hinaharap ay umaasa at nagnanais, Kung ating nais, kunin ...
Para sa mga Ina
- Get link
- X
- Other Apps
Tanging Ina Ka Hindi maitatanggi sa isang tahanan ang kahalagahan ng isang Ilaw. Ilaw na nagbibigay liwanag sa isang pamilya. Ang liwanag na ito'y naitatangi sa iba't ibang pangalan; nanay, ina, mommy, mamu, mama at para sa iba, tatay. Ang mga ina ay isa sa mga pinakamahalaga ngunit pinakanakakaligtaan na sektor hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo. Ang mga ina ang nagdadala ng sanggol sa kanilang sinapupunan sa loob ng siyam na buwan. Sa tingin ng nakararami ay madali lamang ang kanilang pinagdaraanan. Lingid sa kanilang kaalaman ang labis na hirap na kanilang pinagdaraanan mula sa pagiging mahihiluhin, sensitibo sa amoy, iyakin, hanggang sa pagsakit ng binti at balakang sa bigat ng sanggol. Sila ay kalimitang minamaliit bilang tamad at walang silbi. Habang si mister ay nagtatrabaho sa labas ng bahay, ikaw naman ay naiiwan sa loob ng bahay. "Wala ka man lang nalinis sa bahay, anong ginagawa mo maghapon?", "Wala ka nama...
Kahulugan ng Pangalan
- Get link
- X
- Other Apps
Cipriano (Pangngalan) Mula sa salitang ugat na Ciprea sa bansa ng Cypracea. Uri ng kabibeng makikita lamang sa bansa ng Cypracea. Unang natagpuan sa 41.413° N, 34.2993 ° E. Hugis kalahating buwan na mayroong makukulay na disenyo. Ginagamit ito sa mga laro bilang pampato or pambato. Ginagamit din bilang palamuti o pampasuwerte. Halimbawang Pangungusap: Ang ginagamit kong mga Cipriano para sa sungka ay walang ni-isang kaparehong disenyo. Tawag sa isang importanteng tao sa mga gawain na laging lider o representante ng grupo. Hinahanap niya ang kanyang sarili sa mundo ng puro hindi, negatibo, huwag at mali. Hindi niya maipakita ang tunay niyang kalagayan dahil siya ay nakakubli sa isang maganda at matingkad na panlabas. Halimbawang Pangungusap: Ang Cipriano ay abala sa kanyang mga gawain para sa mga darating na pagdiriwang. Tila wala siyang kapantay sa buong nayon.
Panimula
- Get link
- X
- Other Apps
Magandang araw sa iyo! Ilang buwan nanaman ang nakalipas, patapos nanaman ang isang taon, ang isang semestre. Kumusta ka na? Kumusta ang iyong laban sa buhay? Para sa akin, ito ang pinakamahirap ngunit pinakamasayang semestre sa aking buong kolehiyo. Maliban sa maging isang mahusay na estudyante, may natatangi pa akong piaglaban ngayong semestre, ang pagiging ina. Kapag ikaw ay masaya, isulat mo! Kapag ikaw ay malungkot, isulat mo! Kahit anong emosyon ang iyong nararamdaman, isulat mo! Para sa akin, ang pagsusulat ay isang midyum upang mailabas ko ang lahat ng aking nararamdaman. Kumbaga, ang papel ang aking masugid na tagapakinig at ang lapis ang aking buhay. Hindi man ako propesyonal sa larangan ng panitikan, masasabi kong dito ako masaya. Ang FIL 20 ang aking nagsilbing pahinga sa tambak na mga gawain sa ibang mga kurso. Bawat araw ay tungo sa isang hakbang tungo sa pagtatapos sa dulong walang kasiguraduhan. Ito nga ba'y matatapos din? It nga ba'y sulit ng aking munt...